-- Advertisements --
noel clement
Lt. Gen. Noel Clement (photo from Central Command, AFP)

Dinepensa ni AFP chief of staff Lt. Gen. Noel clement ang pagtalaga sa kaniya ni Pang Rodrigo Duterte bilang ika-52nd AFP chief kung saan apat na buwan na lamang siya manatili sa pwesto.

Magreretiro na rin kasi si Clement sa serbisyo sa January 5,2019.

Dahil sa maiksing panahon, usap usapan na posibleng i-extend sa pwesto si Clement.
Pero tumanggi si Clement na mag komento ukol dito, aniya ang Pangulo ang siyang magpapasya dito.

” I will not answer that question, extention its not for me to decide,” wika ni Lt Gen. Clement.

Binigyang-diin ni Clement na hindi siya apektado sa mga bumabatikos sa kaniya hinggil sa kaniyang appointment na tila inaccomodate lamang ito sa pwesto.

Giit ng heneral, ang alam niya siya ang pinili ng Pangulo para mamuno sa sandatahang lakas ng Pilipinas kaya lubos ang kaniyang pasasalamat kay Pangulong Duterte.

Paliwanag nito, kahit maiksi lamang ang kaniyang pamumuno hindi naman ito makaka-apekto sa programa ng AFP dahil may sinusundan na silang campaign plan ang kanilang transformation road map.

Nang tanungin si Clement kung nadismaya siya sa hindi pagdalo ni Pang. Rodrigo Duterte sa turn-over ceremony aniya naintindihan niya ang sitwasyon.

Pero kung siya ang pipili mas gusto niya na dadalo ang Pangulo.

” I dont know exactly why he was not able to attend but that his preroragative, wether he attends or not I will still be the chief of staff,” pahayag ni Clement.