Shannen Doherty
Shannen Doherty/ IG post

Ibinunyag ng Hollywood actress na si Shannen Doherty na ito ay dumaranas ng stage 4 breast cancer.

Ayon sa 48-anyos na “Beverly Hills 90210” star na bumalik ang nasabing sakit at ito ay naging stage 4 na.
Taong 2015 ng ito ay unang na-diagnosed ng nasabing sakit.

Kahit aniya na ito ay may dinaramdam ay patuloy pa rin ang pagtatrabaho nito.
Labis din nitong ikinalungkot ang pagpanaw ng kasamahan sa TV series na si Luke Perry na pumanaw noong 2019.

Ang nasabing actress ay kasal sa photographer na si Kurt Iswarienko mula pa noong 2011.