DORIS DAY
Doris Day

Pumanaw na ang beteranang actress na si Doris Day sa edad 97.

Ayon sa Doris Day Animal Foundation, katabi nito ang kaniyang mga kaanak ng ito ay pumanaw sa bahay nito sa Carmel Valley.

Sinasabing nagkaroon ito ng pneumonia na nagresulta sa kaniyang kamatayan.

Noong nakaraang buwan ay ipinagdiwang pa nito ang ika-97 na kaarawan na dinaluhan ng maraming mga fans.

Naging numero unong actress ito sa Hollywood mula 1960 hanngang 1964 kung saan nakagawa ito ng mahigit 40 na pelikula.

Ilan sa mga mahigpit na kalaban nito na actress ay sina Audrey Hepburn, Marilyn Monroe at Elizabeth Taylor.