Reading Time: 1 minute

Dumagdag pa sa listahan ng mga artistang sumsasapi sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang reservist ang aktor na si Rocco Nacino.

Sa kanyang Facebook page, inanunsyo ni Nacino na nagpa-enlist ito sa reserve force ng Philippine Navy kung saan inaasahan nitong magagamit niya ang kanyang background sa nursing.

Sinasabing bibigyan ng ranggong Captain si Nacino, na board passer at may master’s degree sa nursing.

“I believe na magagamit ko ang skills ko as a nurse for medical missions, physical skills in times of calamity, and my influence to inspire and motivate the youth. I am glad that @gmanetwork is very supportive in this new journey of mine. Abangan ang training videos ko soon!” saad nito.

Nitong Martes nang saksihan ni Nacino ang welcome ceremony ng BRP Conrado Yap (PS-39) kasama si Dingdong Dantes, na reservist naman ng Philippine Marine Corps.

Sinundan ni Nacino ang mga aktor na sina Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, at Robin Padilla na nagpalista naman bilang mga reservist sa Philippine Army.