Peter Scolari
-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actor na si Peter Scolari sa edad 66.

Ayon sa kaniyang manager na si Ellen Lubin na mayroon na itong cancer na nagdulot ng kaniyang pagkaratay sa banig ng karamdaman ng mahigit dalawang taon na.

Lumabas na rin sa ilang pelikula at TV shows sa US si Scolari.

Ilan sa mga ito ay ang “Murphy Brown”, “Newhart” at “The Good Fight”.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilan nitong nakasama sa pelikula at sa TV shows ng malaman ang pagkamatay ng actor.

-- Advertisement --