Carmine Caridi
Carmine Caridi

Pumanaw na ang ang actor na si Carmine Caridi sa edad 85.

Kinumpirma ni film director Chazz Palminteri ang pagpanaw ni Caridi.

Ilang araw itong nananatili sa Cedars-Sinai hospital sa Los Angeles matapos na ito ay ma-comatose.

Nakilala ito sa pagganap niya bilang si Carmine Rosato sa pelikulang “Godfather”.

Kasama rin ito sa ilang mga TV shows gaya ng “Starsky and Hutch” , “Taxi” , “Fame” at “Simon & Simon”.