crowd people vax vaccination COVID
-- Advertisements --

Nasa ikalawang araw na mababa pa rin sa 1,000 ang naitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Ito ay makaraang iulat ngayon ng Department of Health (DOH) ang 975 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Mayroon namang naitalang 1,029 na gumaling at 193 na mga pumanaw.

Sa kabuuan ang mga tinamaan ng coronavirus sa Pilipinas ay umaabot na 2,829,618 mula noong nakalipas na taon.

Habang ang mga nakarekober ay nasa 2,763,947 na.

-- Advertisement --

Meron namang nasa 17,796 ang mga aktibong kaso.

Ito na ang pinakamababang bilang ng mga pasyente mula Hunyo ng nakalipas na taon.

Ang death toll naman naman sa bansa dahil sa deadly virus ay nasa 47,875 na.

Samantala, mayroon namang tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“17 duplicates were removed from the total case count. Of these, 15 are recoveries. Moreover, 181 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi ng DOH advisory. “2 labs were not operational on November 23, 2021 while 3 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 5 labs contribute, on average, 0.3% of samples tested and 0.2% of positive individuals.”