-- Advertisements --
Tinambakan ng Alaska Aces ang Blackwater Elite 120-82 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.
Mula sa pagsisimula ng laro ay hawak na ng Aces ang kalamangan at hindi na nakahabol pa ang pang Blackwater.
Bumida sa panalo si Barkley Ebona na nagtala ng 24 points habang mayroong 21 points si Robbie Herdon at 11 points, seven rebounds at seven assists naman ang naitala ni Jeron Teng.
Nag-ambag naman ng 16 points si Vic Manuel, 14 points kay Abu Tratter at 12 points naman kay Mike DiGregorio.
Hanga naman si Aces coach Jeff Cariaso dahil bawat laro ay malaki ang kanilang improvements.