Aces vs RoS
Aces vs Ros/ PBA image

Nagkasundo ang Alaska Aces at Rain or Shine na magpalitan ng manlalaro para sa 2019 first-round draft pick.

Ipapalit ng Painters si Maverick Ahanmisi kay Ping Exciminiano ng Aces.

Naipasa na ang mga kaukulang dokumento sa PBA Commissioner’s Office at hinihintay lamang ng dalawang koponan ang approval.

Si Ahanmisi ay third overall draft ng Elastopainters noong 2015.

Naglaro na rin siya sa Gilas Pilipinas noong 2018 Asian Games.

May average points ito na 10.9 , 4.9 rebouds, 3.6 assists at 1.4 steals.

Habang si Exciminiano ay second round overall pick ng Aces noong 2013.

May 3.4 points at 2.2 rebounds average ito noong 2017-2018 season sa Aces.