DAVAO CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng otoridad ang miyembro ng Abu Sayyaf na nasa likod ng nangyaring pangingidnap sa Samal Island at pumutay sa kanilang dalawang mga bihag na dayuhan.
Una ng nakilala ang suspek na si Adzrimar Sali Ammat o mas nakilalang si alyas “Adz”, “Abu Omar” at “Guru Adin”, 30 anyos, residente ng Tabu Batu, Maimbung lungsod ng Sulu.
Nahuli ang mga ito sa Joint operatives ng police Anti-Kidnapping Group (AKG) Mindanao Field Unit (MFU), 2nd Mobile Force Company, mga tropa sa Marine Battalion Landing Team-11 (MBLT) ug intelligence units sa Campo Islam sa nasabing lungsod.
Nabatid na may standing warrant of arrest si Ammat dahil sa kasong kidnapping with homicide na inisyu ng Regional Trial Court 11 (RTC) Judicial Region sa Panabo City, Davao del Sur noong Setyembre 29, 2016.
Sinasabing may warrant of arrest rin ito dahil sa kasong kidnapping with ransom na inilabas ng RTC 9, Judicial Region, Bongao, Tawi-Tawi sa nakaraang Setyembre 2, 2019.
Nabatid na inatake ng mga armadong Abu Sayyaf ang isang resort sa Samal Island noong Setyembre 21, 2021 at binihag ang mga dayuhan na sina Norwegian resort manager Kjartan Sekkinstad, 56; Canadian guests John Ridsdel, 68 anyos at Robert Hall, 50 anyos; at ang Filipina na si Marites Flor.
Dinala ang mga biktima sa Sulu ngunit dalawang mga Canadians ang pinatay matapos na hindi makabayad ng kanilang ranson habang nakalaya naman sina Flor at Sekkingstad.
Ang nahuling suspek ang nananatili ngayon sa kustodiya ng AKG-MFU.