Nadagdagan pa umano ang bilang mga apektadong eskwelahan sa lalawigan ng Abra at mga kalapit na lugar matapos na tumama ang 7.0 magnitude na lindol.
Iniulat ni Atty. Michael Poa, DepEd spokesperson, na nasa 456 schools na ang naitalang merong infrastructure damage.
Dahil dito bilang alternatibo, sisimulan na rin ang pagpapatayo muna ng mga temporary spaces sa susunod na linggo bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase sa Agosto 22.
Kabilang pa umano sa binabalak din ng DepEd ay mag-deploy ng alternative delivery modes, habang doon sa may internet access ay ‘yong mga self learning modules o blended learning ang maaaring gawin ng mga bata.
Kaugnay nito, muling inulit ng tagapagsalita ng DepEd na tuloy na tuloy ang opening ng klase sa Northern Luzon sa kabila ng may ilang mga lugar ang apektado ng lindol pati na rin ang mga paaralan na naapektuhan ng bagyong Odette at noon pa na bagyong Agaton.
Ang iba aniya sa mga ito ay maaaring mabigyan mula sila ng modules na pwede nilang gawin sa mga aralin.