lawyer shooting

DAGUPAN CITY – Patay matapos pagbabarilin ang isang abogado sa harapan mismo ng justice hall sa lungsod ng Dagupan, Pangasinan.

Sa eksklusibong panayan ng Bombo Radyo Dagupan kay Lt. Col. John Dale Sulit, hepe ng Dagupan City PNP, naganap ang insidente habang nasa labas na ng justice hall ang biktima na si Atty Val Crisostomo mula sa bayan ng Manaoag.

Dumalo umano ang biktima sa hearing nitong umaga sa kasong may kaugnayan sa illegal gambling.

Sa ngayon patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek na agad tumakas matapos ang insedente sakay ng isang motorsiklo.