LAOAG CITY – Dumating na sa Brgy. 48A-Cabungaan sa lungsod ng Laoag ang abo ng namatay na overseas Filipino worker (OFW) na si Armando Matterig mula sa Saudi Arabia.
Ito ang kinumpirma ng asawa nito na si Mrs. Moren Vidad.
Ayon kay Vidad, tallong araw umano nilang lalamayan ang abo ng asawa sa kabilang bahay.
Maalala na namatay si Matterig habang nasa ibang bansa matapos mahawaan ng COVID-19.
Una nang sinabi sa Bombo Radyo ng biyenan ni Matterig na si Jun Vidad matapos maipaalam sa kanila ang pagdating ng abo ng manugang ay kinuha nila sa border ng Ilocos Norte partikular sa bayan ng Badoc.
Samantala, sinabi nito na hinihintay nila ang tulong na ibibigay ng kompanya na pinagtatrabahuan nito sa ibang bansa.
Dagdag nito na naisumite na nila ang lahat ng kailangan nila para sa mga benipisyo ni Matterig.