-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nahaharap sa kasong kasong illegal recruitment committed by a syndicate in large scale at estafa ang isang negosyante matapos umanong itakbo ang aabot sa P4 milyon na pera ng isang senior citizen sa Tram, Ucab, Itogon, Benguet.

Sa isinagawang entrapment operation ng Itogon Municipal Police Station, nahuli si Anabelle Ragojos De Guzman, 44, tubong Urdaneta, Pangasinan at residente ng Tagudin Ilocos Sur.

Nag-ugat ang imbestigasyon ng mga otoridad sa reklamo ng senior citizen na nakilalang si Josephine Cabot Bautista, 62, at residente ng Itogon, Benguet.

Ayon sa biktima, nilinlang siya ng suspek na magbibigay sa kanya ng halos P4 million kaya’t agad umanong nagreport ang biktima sa pulisya.

Nakuha sa suspek ang mga boodle money at cellphone na ginagamit sa operasyon.

Napag-alaman ding may standing warrant of arrest ang suspek sa kaso nitong illegal recruitment na isinilbi naman ng Baguio City Police Office noong Agosto 2016.