Ibinunyag ng Commission on Elections (COMELEC) na mayroong siyam na contractors ang nagbigay ng campaign donations sa ilang kandidato nitong 2025 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, na wala pa silang kinukumpirmang mga kandidato kung ito man ay nanalo o natalo at ang tanging kinukumpirma niya ay ang aabot sa siyam na contractors ang nagbigay ng donasyon.
Ang nasabing pagkakadiskubre ay mula sa inisyal na pag-aaral ng COMELEC.
Patuloy pa rin ang ginagawang pag-aaral sa mga statements of contributions and expenditures na inihain ng 66 senatorial candidates at 155 party-list groups.
Kanilang ibibigay ang naisapinal na listahan ng contractors sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para pag-aralan din bago ito isasapubliko.
Nakasaad sa Omnibus Election Codes na pinagbabawal na tumanggap ang mga tumatakbong kandidato sa mga kontratista na mayroong kontrata sa gobyerno.