-- Advertisements --
image 77

Welcome umano sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang naging desisyon ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr na palawigin ang state of calamity sa bansa dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa isang statement sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na ang tatlong buwang extension ng state of calamity ay malaking bagay para sa national government at local government units (LGUs) para magkaroon ng mas maraming oras para mapagtuunan ng pansin ang economic, social at health interventions.

Kasabay na rin ito ng pag-adapt ng mga Pilipino sa tinatawag na new normal at ang mga hamong kinahaharap ng bansa dahil pa rin sa pandemic.

Kasunod nito, hinimok din ni Abalos ang mga LGUs na gamitin na ang kanilang mga natitirang pondo kabilang na rito ang Quick Response Fund para matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga constituents at ang mabilis na COVID-19 vaccination at booster drive para mapalakas ang tinatawag na wall of immunity ng ating bansa.

Sinabi rin ni Abalos na nananatili namang committed ang DILG sa pag-aalay sa mga LGUs sa pagbibigay ng efficient, timely at appropriate Covid-19 response at services para maprotektahan ang mga Pilipino sa mga critical period.

Kung maalala, sa pamamagitan ng Proclamation No. 57, pinalawig pa ng Pangulong Marcos ang period ng state of calamity sa bansa mula Setyembre 13 hanggang Disyembre 31 ngayong taon base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nanawagan naman ang Pangulong Marcos na patuloy pa ring alalayan ng lahat ng government agencies at local government units (LGUs) an kanilang mga nasasakupan.