-- Advertisements --

Sumama na rin ang K-pop group na Stray Kids sa pag-boycott ng 2027 Grammy Awards.

Ang nasabing hakbang ay matapos ang kontrobersyal na pagpapakilala ng bagong kategorya sa Asian pop music na siyang binabatikos ng mga nahihilig sa K-pop at J-pop.

Una ng nagpasya ang BTS na hindi sila magsusumite ng anumang kanta sa Grammy noong Hulyo.

Rasong BTS na nais nila na ang kanilang mga kanta ay marinig at mahalin kung ano ito kaysa paghiwalayin ng rehiyon at lenguwahe.

Hindi naman nagbigay pa ng anumang dahilan ang grupong Stray Kids sa kanilang desisyon na hindi na magsumite ng mga kanta.