-- Advertisements --
Inanunsiyo ng aktres na si Glaiza de Castro ang kaniyang pagbubuntis.
Sa kaniyang social media account ay masayang ibinahagi ng aktres ang balita.
Sinabi nito na labis siyang nasisiyahan dahil sa magkaka-anak na sila ng asawang si David Rainey.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa kaibigan at kapwa artista nito matapos na mabalitaan ang magandang balita.
















