-- Advertisements --
Nagsalita na ang aktres na si Kim Domingo ukol sa paglabas ng usapin na ito ay mayroong ka-relasyon noon na isang pulitiko.
Sa kaniyang social media account ay inihayag niya ang kaniyang mga saloobin.
Sinabi nito na kung itatanggi niya ay mayroon at mayroon pa ring masasabi ang iba ganun din kapag aminin niya ay mayroon pa ring masasabi ang mga tao.
Kaya minabuti na lamang niya na ipaubaya sa tao ang kanilang paniniwala dahil marami na umanong humatol sa kaniya.
Kasabay din nito ay ibinunyag ng aktres na mayroon na itong nobyo na isang Thai kung saan tatlong taon na rin sila.
Magugunitang kumalat sa social media ang mga larawan ng aktres kasama ang isang pulitiko na kaniyang nakarelasyon ng mahigit 10 taon.















