Panibago na namang 15 kaso ng COVID-19 ang naitala sa mga OFW.

Sa ulat ng DFA ang naturang bilang ay nagmula sa Asia, Pacific at Europa.

Dahil dito, umakyat na sa 9,407 ang total cases sa mga Pinoy sa abroad.

Umaabot naman sa3,279 ang sumasailalim sa gamutan.

Meron na ring 666 ang mga nasawi na mga overseas Pinoy workers.