-- Advertisements --

Humihiling ng isang bilyong dolyar na damages ang may 90 mga kababaihan kasama ang dating mga miyembro ng US Olympic gymnasts laban sa Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa maling paghawak sa kasong sexual abuse laban dating US Olympic team doctor na si Larry Nassar.

biles 3

Ang naturang kontrobersiyal na kaso ay itinuturing na pinakamalaking sexual abuse case sa American sports.

Kabilang sa naghain ng kaso sa federal court ay ang mga dating national team gymnasts na sina Simone Biles, McKayla Maroney at Aly Raisman.

Ayon sa mga claimanats, matapos daw nilang ireklamo ng pang-aabuso si Nassar sa FBI noong taong 2015 ay wala namang ginawang aksiyon ang FBI at inabot pa ng taon habang nagpatuloy pa sa kanyang pang-aabuso sa ilang kababaihan at mga bata ang doktor.

Ang tinaguriang Collective Administrative Claims ay inihain sa ilalim ng Federal Tort Claims Act kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga tao magreklamo dahil sa isyu ng kapabayaan ng kanilang federal government.

Noong buwan ng Abril mahigit 10 ring mga kababaihan ang dumulog din sa korte upang ireklamo ang FBI.

Sina Raisman, Maroney at iba pa ay una na ring tumestigo sa US Congress upang habulin ang accountability ng FBI.

nasser
Dr. Larry Nassar

Si Nassar ay una nang umamin ng guilty noong taong 2018 sa pag-abuso sa 10 mga kababaihan mula sa mahigit 265 na mga pasyente na lumutang at inamin na minolestiya sila ng doktor.

Nahaharap si Nassar ng aabot sa 175 taon na pagkakakulong.