Pinasasampahan na ng Department of Justice (DoJ) ng kaso sa korte ang siyam na pulis na sangkot sa pagkamatay ng alkalde ng Calbayog City na si Ronaldo Aquino at mga kasamahan nito noong Marso 2021.
Sinabi ni DoJ spokesperson Undersecretary Emmeline Aglipay-VIllar na ang panel of prosecutors na nagsagawa ng preliminary investigation ay niresolba ang nakahaing criminal charges
Apat na bilang ng kasong pagpatay ang ipinasasampa laban sa mga pulis dahil sa pagkamatay ng alkalde ang security escort nitong si Rodeo Stario, driver na si Dennis Abayon at ang napadaan lamang na si Clint Paul Yauder.
Isang kaso naman ng frustrated murder din ang isinampa sa siyam na pulis matapos masugatan sa insidente ang personal security aid ng alkalde na si Mansfield Labonite.
Kabilang sa mga pulis na sasampahan ng kaso sina
Police Lieutenant Colonel Harry Villar Sucayre, Team Leader
Police Major Shyrile Co Tan
Police Captain Dino Laurente Goles
Police Lieutenant Julio Salcedo Armeza, Jr.
Police Staff Sergeant Neil Matarum Cebu
Police Staff Seargeant Edsel Tan Omega
Patrolman NiƱo Cuadra Salem
Police Corporal Julius Udtujan Garcia
Police Staff Seargeant Randy Caones Merelos at ilang John Does
Ang criminal information ay ihahain sa Regional Trial Court of Calbayog City.
Binigyang diin ng panel of prosecutors na ang depensa ng mga respondendents kabilang ang denial, alibi at self-defense ay walang bigat at nangibabaw pa rin ang positive assertions ng mga testigo at ang mga isinumiteng ebidensiya.
Marso noong nakaraang taon nag pagbabarilin ang sasakyan ni Aquino at mga kasamahan nit osa Laboyao Bridge sa Barangay Lonoy.
Iginiit noong ng mga pulis na napilitan silang gumanti ng putok dahil pinagbabaril sila ng mga tauhan ng alkalde.
Pero base sa CCTV footage, sinundan ng mga police officers ang sasakyan ng alkalde ng 17 minuto bago ito namatay.
Sinabi ng nasugatang si Labonite na ang mga pulis ang unang nagpaputok.
Samantala, ang mga counter-charges sa kasong pagpatay, frustrated murder at attempted murder na inihain laban kay Ronald Mark Aquino na anak ng namatay na alkalde at ni Police Corporal Ramil Rosales ibinasura rin kasama na ang reklamo laban kay Ronald dahil umano sa grave threats.
Ibinasura rin ang mga supplemental complaint ni Ronald Mark laban kay Raymund Uy at Stephen James Tan.