-- Advertisements --
Nagkasundo ang pangulo ng siyam na North Atlantic Treaty Organization (NATO) countries mula sa Central at Eastern Europe na nagkondina sa ginawang annexation ng Russia sa teritoryo ng Ukraine.
Nagkasundo rin ang mga ito na dagdagan pa ang tulong militar sa Ukraine.
Isinagawa ang pahayag matapos ang pagbisita ng ilan sa kanila sa Kyiv at personal na nasaksihan ang epekto ng ginawa ng Russia.
Suportado rin ng mga pangulo ng Czech Republic, Estonia, Latvia, Lithuania, North Macedonia, Montenegro, Poland, Slovakia at Romania ang pagpapabilis ng membership ng Ukraine bilang kanilang kaalyado.
Nanawagan din ang mga ito na dapat panagutin ang mga gumagawa ng krimen laban sa isang bansa.