Tinukoy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang siyam na mga lugar sa bansa na positive sa paralytic shellfish poison o ang tinaguriang toxic red tide.
Ito ay batay sa inilabas na Shellfish Bulletin No. 25 ng ahensiya na may petsang August 28,2021.
Ayon sa BFAR base sa isinagawa nilang pagsusuri kasama ang mga local government units ang mga sumusunod na lugar ay nakitaan ng paralytic shellfish poison.
Ang mga lugar na ito ay ang sumusunod:
Milagros in Masbate;coastal waters of Dauis and Tagbilaran City in Bohol; San Pedro Bay in Western Samar; coastal waters of Biliran Islands;Carigara Bay in Leyte; Matarinao Bay in Eastern Samar; Dumanquilas Bay in Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay in Zamboanga del Norte; at Lianga Bay in Surigao del Sur.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” pahayag ng BFAR.
Nilinaw din ng BFAR na ang mga nakukuhang isda, squids, shrimps, at crabs sa mga nasabing lugar ay maaari pa rin kainin pero dapat fresh ang mga ito at hugasan ng maigi bago lutuin.