Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang siyam na bilanggo sa Quezon City jail.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Chief Insp. Xavier Solda, nilalapatan na lunas ang mga inmate at nananatili sa isang isolation area.
Bago lumabas ang resulta ng pagsusuri, ibinukod na ang nasa 15 nakapiit sa nasabing pasilidad dahil sa hinalang nagkaroon ng contact ang mga ito sa isang bilanggong nasawi at nakitaan ng flu like symptoms.
Maliban sa kanila, sumailalim din sa pagsusuri ang nasa 40 jail personnel para mabatid kung nahawa rin sila ng COVID-19 patients.
Sa ngayon, naghigpit pa ang QC jail, lalo’t ang Quezon City ang may pinakamaraming kaso ng COVID sa buong Pilipinas, kung saan aabot na ito sa halos 1,000.