-- Advertisements --

Kabilang ang siyam na lungsod sa Pilipinas sa listahan ng largest urban economies sa buong mundo, batay sa Oxford Economics Global Cities Index.

Nakuha ng Manila ang ika-256 na pwesto, 436 sa Cebu, habang 487 naman sa Cagayan de Oro at nasungkit din ng Davao City ang ika-500 na pwesto.

Nakasama rin sa largest urban economies ang Angeles City, Bacolod City, Dagupan City, Zamboanga City at General Santos City.

Ayon sa Oxford Economics Global Cities Index, ibinatay nila ang ranking sa limang kategorya tulad ng ekonomiya, human capital, kalidad ng buhay, kapaligiran, at governance.

Kaugnay nito, nanguna sa 2024 Global Cities Index ang New York, sinundan ng London, San Jose, Tokyo, at Paris.