-- Advertisements --
Suspendido ang 89 kapitan ng barangay sa loob ng anim na buwan dahil sa mga anomaliya sa distribusyon ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Ipinag-utos ito ng Office of the Ombudsman matapos na maghain ng reklamo laban sa kanila ang DILG.
Inatasan na rin ni DILG Sec. Eduardo Año ang mga alkalde ng mga lungsod at munisipalidad sa bansa na ipatupad ang suspension order mula sa Office of the Ombudsman.
Inatasan din nito ang DILG regional at field officers na tuyakin na maayos na maipapatupad ang mass suspension na ito.
Pinasalamatan naman ni Año si Ombudsman Samuel Martires sa agarang aksyon sa reklamo ng DILG.