-- Advertisements --

Mahigit 860 pamilya o katumbas ng halos 3,300 indibidwal ang apektado dahil sa pag-alburuto ng Taal Volcanom, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa DSWD Region IV-A, kabuuang 867 families o 3,298 indibidwal ang apektado nang aktibidad ng Taal Volcano magmula noong Hulyo 1.

Sa naturang bilang, 416 pamilya o 1,712 indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa 16 evacuation centers sa munisipalidad ng Agoncillo, Balete, Laurel, at Nasugbu , Batangas.

Habang 451 pamilya o 1,586 indibidwal ang pinili namang manatili sa bahay ng kanilang mga kaibigan o kamag-anak sa labas ng danger zone.

Magugunita na noong Hulyo 1 ay inilagay sa Alert Level 3 ang status ng Taal Volcano kasunod nang mabilis na phreatomagmatic eruption sa main crater na nangyari bandang alas-3:16 ng hapon.