Nasa walong katao ang nasawi sa dalawang insidente ng pamamaril sa lungsod ng Hanau, Germany nitong Miyerkules ng gabi (Huwebes ng umaga sa Pilipinas).

Ayon sa pulisya, tatlong katao ang napatay sa harap ng isang shisha bar sa sentro ng lungsod.

-- Advertisement --

Habang lima naman ang naitalang biktima sa isa pang kahalintulad na bar sa bahagi ng Kesselstadt.

Tinutugis na ng pulisya ang mga suspek, na mabilis na tumakas sa lugar at kasalukuyang at large.

Pinaigting na rin ng mga otoridad ang kanilang visibility sa pamamagitan ng pagpapakalat pa ng kanilang mga tauhan, at may nagpapatrolya ring helicopter sa parehong area. (BBC/ Al Jazeera)