-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng Department of Health (DOH) na nadagdagan pa ng dalawa ang mga namatay mula sa 64 confirmed positive cases ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Dahil dito, walo na ang total mortality sa mga kaso ng tinaguriang pandemic virus.

Batay sa inilabas na anunsyo ng DOH, kinilala ng ahensya ang isa sa namatay na pasyenteng na-admit sa Our Lady of Mt. Carmel Medical Center sa San Fernando, Pampanga.

Sa ngayon, patuloy na kinakalap ng Health department ang mga impormasyon kaugnay ng sanhi ng pagkamatay ng dalawa.

Nitong umaga nang ianunsyo rin ng DOH na namatay dahil sa severe pneumonia ang Case No. 40, na mula Lanao del Sur.

Dahil sa ipinatutupad na social distancing protocol, sa virtual press conference muna idadaan ng ahensya ang paglalabas ng updates kaugnay ng COVID-19 situation.