CAGAYAN DE ORO CITY – Mas pinaigting pa ng mga pulis ang paghahanap sa ina ng walong buwang sanggol na iniwang wala ng buhay sa likod ng bahay sa Zone 6, Lago Village Capisnon, Brgy Kauswagan sa lungsod.

Sinabi ni Carmen Police Station Commander Major Jelises Teves na walang niisa mang lumutang para sana makapagturo sa tunay na pagkakakilanlan sa magulang ng sanggol.

Ayon kay Major Teves, kanila ring iimbestigahan kung sinadya bang patayin ng ina ang kanyang sariling anak upang mapanagot sa ginawa nitong krimen.