Nasa 76 katao ang patay sa car bombing sa Somalia.

Naganap ang insidente sa isang checkpoint sa interesection ng Mogadishu.

Wala pang grupong umako sa nasabing insidente.

Inaasahan ng mga otoridad madaragdagan pa ang bilang ng mga masasawi sa insidente dahil marami pa ang nagpapagaling.

Hinala din ng mga kapulisan na ang grupong al-Shabab militant ang nasa likod ng insidente dahil sa palagian nilang ginagawang pag-atake sa lugar.