Ibinasura na ng Commission on Elections (Comelec) ang accreditation applications ng 76 party-list groups at political parties para sa May 2022 elections.
Kabilang dito ang 1-Ako Driver, Ipaglaban Mo, Ang Pederalismo, Antigo-1, Justice Redeemed, Dugong Dakilang Seaman, Maharlika People’s Party, Ang Bagong Barangay Natin at OFW Coalition Party.
Ito ang kinumpirma mismo ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang press conference.
Sa ilalim ng batas, kailangang makakuha ang mga party-list group nang kahit dalawang pursiyento sa total number ng mga botante para magkaroon ng upuan sa House of Representatives.
Ang mga lalagpas naman ng two-percent threshold ay mabibigyan ng karagdagang upuan depende sa dami pa rin ng bilang ng boboto sa naturang partylist.
Sa mga hindi naman magkakaroon ng two-percent requirement ay puwede pa ring makakuha ng puwesto sa Kamara base na rin sa party-list law dahil dapat ay 20 percent ng mga House members ay mula sa party-list.