Reading Time: 1 minute
Kismayo port
Kismayo Port

Aabot sa pitong katao ang patay matapos ang ginawang pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa isang hotel sa south Somalia.

Base sa inisyal na imbestigasyon, unang pinasabog ng mga suspek ang kotse na may lamang bomba sa Asasey hotel sa Kismayo port.

Pagkatapos ng pagsabog ay bigla na lamang pinaulanan ng mga armadong suspek ang nasabing lugar.

Kabilang sa nasawi ay ang sikat na TV journalist na si Hodan Naleyeh at ang asawan nito.

Inako ng Islamist group na Al Shabab ang nasabing atake.

Patuloy ang ginagawang atake ng mga militante sa Mogadishu kahit andoon ang presensya ng African Union peacekeepers at US-trained Somali Troops.