Mallorca
Inca, Mallorca map

Nasa pitong katao ang patay matapos ang banggaan ng helicopter at ultralight plane sa Mallorca, Spain.

Naganap ang insidente sa Inca ang sikat na tourist island sa mainland Spain.

Lima sa biktima kabilang ang dalawang menor-de-edad ay nakasakay sa helicopter habang ang dalawa ay nakasakay sa ultralight isang uri ng small aircraft na hanggang dalawa lamang ang puwedeng isakay.

Sinabi ni Regional President Francina Armengol, agad silang nagpadala ng rescue team sa lugar.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay sa mga biktima si Spanish Prime Minister Pedro Sanchez.