-- Advertisements --
SARS COV 2
IMAGE | The SARS-CoV-2 virus/handout

MANILA – Pitong lungsod sa National Capital Region ang may kumpirmadong kaso ng sinasabing mas nakakahawang variants ng SARS-CoV-2 virus na nadiskubre sa United Kingdom at South Africa.

Walang inilabas na listahan ang Department of Health (DOH), pero ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire, 11 lungsod ang may B.1.1.7 (UK variant) case.

Habang pitong siyudad ang may kaso ng B.1.351 (South African variant).

“We about have 3.5% of all of these samples were tested, present ang UK variant. For South African variant its a little higher, 5.5% out of all those samples that were tested.”

Ayon sa DOH, katumbas pa lang ng mga samples mula NCR na na-proseso sa whole genome sequencing ang nabanggit na porsyento.

Kung ikukumpara daw kasi sa kabuuang bilang ng samples sa buong bansa na sumailalim sa sequencing, 1.7% ang South African variant cases.

Inalerto ng mga eksperto ang bawat bansa dahil sinasabing may “escape mutation” sa mga bakuna ang B.1.351 variant.

Aminado si Vergeire na hanggang ngayon may ilang rehiyon pa rin ang hindi nakakapagpadala ng specimen para sa sequencing.

Kabilang na rito ang Bicol region, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“Yung kanilang transport, its coming from region at hindi masydong maka-access para makapagpadala. Also itong 4 regions may kakulangan sa labroatoryo. As long as you can’t get adequate specimens from your area hindi natin mapapadala sa Philippine Genome Center.”

Batay sa huling tala ng DOH, pumalo na sa 118 ang UK variant cases sa bansa. Habang 58 ang kaso ng South African variant.

Iginiit naman ng DOH spokesperson na hindi maaaring isisi sa mga variant ang sumirit na namang kaso ng COVID-19, dahil maaari rin daw na dulo ito ng hindi pagsunod ng publiko sa minimum health standards.

“We cannot assume that all of the cases that are turning positive in Metro Manila would be already UK and South African variants, we need evidences.”

Ngayong hapon o gabi posibleng ilabas ng DOH ang resulta ng panibagong batch ng samples na isinailalim sa genome sequencing ng PGC.