TACLOBAN CITY – Arestado ang pitong mga drug personality matapos na mabuwag ang isang drug den sa ginawang buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Aguit-itan, Calbayog, Samar.

Kinilala ang mga suspek na sina Jojo Sampiton, Jeremiah Sampiton, Joshua Sampiton, Jessabel Sampiton, Jonathan Sampiton, Noel Laya, Florentino Anolido, at Jessabell alyas “Nocnoc.”

Ayon kay Rogelette Urgel, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 8 na ang mga suspek ay nasa drug watch list at matagal nang sinusubay-bayan ng mga otoridad.

Nakumpiska sa naturang operasyon ang limang sachet ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia.

Nahaharap naman ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 at kasalukuyang nakadetine sa Calbayog Police Station.