-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ang Cauayan City ng 7 panibagong nagpositibo sa COVID 19 .

Sa inilabas na impormasyon ng pamahalaang lungsod halos lahat ng mga panibagong kaso ay nakaranas ng sintomas ng virus kaya sila ay nagpakonsulta at isinailalim sa swab test .

Pawang walang history of exposure ang mga panibagong pasyente kaya inaalam pa kung saan nila maaaring nakuha ang virus.

Kabilang sa panibagong mga kaso ang mag-asawang sina CV 4893 at CV 4894 na residente ng barangay Cabaruan.

Ang mga pasyente ay may kasaysayan ng paglalakbay sa Lungsod ng Santiago.

Pangatlo si CV 4896 na 28 anyos na babae, isang graphics designer na residente ng barangay District 1 na unang nakaranas ng sintomas tulad ng ubo, sipon, pagkawala ng panlasa at pang-amoy.

Pangapat at panglima ang mag-asawang sina CV 4942 at 4941 na residente ng barangay Labinab,

Sila ay nakaranas ng ubo, sipon,lagnat at pananakit ng lalamunan.

Pang-anIm si CV 4956 na 36 anyos na lalaki, naresidente ng barangay Cabaruan at isang pulis.

Una siyang nakaranas ng sintomas tulad ng ubo at agad na sumailalim sa pagsusuri.

Ang pang-pitu ay si CV 4957, 30 anyos na babaeng pulis na residente ng barangay Cabaruan.

siya ay nanganak sa isang pagamutan at unang nagpositibo sa antigen test.

Samantala, nakapagtala ng apat na panibagong gumaling ang Lunsod ng Cauayan na kinabibilangan nina CV 4315, CV 4318, CV 4319 at CV4320.

Sila ay hindi na nagpapakita ng sintomas ng COVID 19 at natapos na nila ang kanilang mandatory Quarantine.

Dahil sa panibagong recoveries ay 36 na lamang ang kabuoang COVID 19 positive sa Cauayan City.

Sa kabila nito patuloy pa rin ang paalala ng pamahalaan sa publiko na sundin ang mga minimum health protocols.