Arestado ang pitong katao sa ikinasang magkakahiwalay na anti-drug operations sa Payatas, Quezon City.

Sa unang operasyon nahuli ang dalawang lalaki na ang isa ay nagpakilala pa na isang asset ng pulis.

Sa pangalawang operasyon naman ay arestado rin ang dalawa kung saan nakuhanan pa ang mga ito ng sumpak o homemade shotgun.

Tatlong katao rin ang naaresto sa ikatlong operasyon.