-- Advertisements --

CEBU CITY – Inanunsiyo ngayon ni Consolacion Cebu Mayor Joannes Alegado na nakapagtala ng pangatlong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nasabing bayan.

Nagmula ang 69-anyos na pasyente sa Sitio Proper, Brgy. Pulpugan, Consolacion.

Una nang dinala ang babaeng pasyente sa Eversely Child Sanitarium General Hospital noong Mayo 20 dahil nahihirapan itong huminga at doon na ito kinuhanan ng swab sample.

Inilipat naman ito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center matapos nagpositibo ang resulta.

Sinimulan na ring isagawa ang contact tracing at nananawagan naman ang alkalde sa pamilya nito at mga nakakasalamuha na magpa-isolate kaagad.

Hiniling pa ni Alegado sa lahat na manalangin para sa mabilis na pag galing ng pasyente.

Una nitong naitalang kaso sa bayan ang isang doktor na may travel history sa Middle East habang ang ikalawang nagpositibo naman ay isang repatriate na overseas Filipino workers (OFW).