CENTRAL MINDANAO- Umakyat na sa 13 katao ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Cotabato Inter-Agency Task Force on Covid 19 Spokesman at Cotabato 2nd District Board Member Dr Philbert Malaluan na ang panibagong nagpositibo sa nakakahawang sakit ay isang 66 anyos na lalaki na nagmula sa bayan ng Matalam.
Ang pasyente na naghihintay pa ng PH Number ay dumaranas ng sakit na co-morbidities: hypertension at diabetes mellitus.
Noong Hulyo 9, dinala sa Cotabato Provincial Hospital ang pasyente dahil sa high blood pressure at inirekomendang ilipat sa isang pribadong ospital sa Davao City.
Hulyo 11 ng ni-refer ito sa Southern Philippines Medical Center (SPMC)- Davao City.
Isinailalim sa swab test ang pasyente dahil dumaranas ito ng ubo at lagnat kung saan lumabas sa pagsusuri na positibo ito sa Covid 19.
Walang ibang travel history ang pasyente dahil naging paralisado ito mula pa ng mga nakalipas na buwan.
Marami ang naniniwala na posibling nahawaan o ospital transmission sa Davao City ang biktima.
Agad nagsagawa ng contact tracing ang IPHO-Cotabato sa lahat na nakasalamuha ng pasyente.
Sa ngayon ang probinsya ng Cotabato ang may pinakamababang kumpirmadong kaso ng Covid 19 sa buong Socsksargen Region.