-- Advertisements --
Sa basketball court ng Sampaloc, Maynila nagpalipas ang nasa 65 na lalaki na nahuli ng mga kapulisan at tanod na lumabag sa curfew hours.
Pinaghiwalay ang mga ito bilang pagsunod sa social distancing sa Barangay 581.
Pinauwi na lamang ang mga ito dakong alas-syete ng umaga.
Sinabi ni Punong Barangay Danilo Espino na ito na ang kanilang hakbang dahil marami ang nagbabalewala sa kanilang curfew hours.