Pinaniniwalaang nasa 64 katao ang nasawi matapos maitala ang isang boat accident sa ilog ng Zamfara State, northwest ng Nigeria, kahapon, Sabado, September 14,2024.
Ayon sa report ng local officials, isang barkong de kahoy na may kargang 70 magsasaka ang lumubog.
Patungo ang mga magsasaka sa kanilang farmlands sa bayan ng Gummi nitong Sabado.
Matapos mabatid ang aksidente kaagad namang nagsagawa ng search and rescue operations ang mga otoridad sa lugar.
Ayon kay Aminu Nuhu Falae, local administrator na siyang nanguna sa operasyon,kaniyang sinabi na ito na ang pangalawang insidente na nangyari sa lalawigan ng Gummi.
Siniguro din niya na patuloy ang paghahanap sa mga maaari pang mga survivors sa insidente.
Tinataya namang mahigit 900 na magsasaka ang umaasa sa nasabing ilog para sa mabilisang pag-transport ng kanilang mga raw materials sa mga sakahan sa Gummi.
Kung maalala ang Zamfara State ay kilalang may maraming criminal gangs na nag-ooperate na nais magkaroon ng kontrol sa mga yamang likas sa lalawigan.
Ang estado rin ay palagiang nakararanas ng malaking pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan. (Bea Paneza)