Arestado ang anim na akusado sa pagkawala ng mga sabungero.
Ayon kay Philippine National Police chief Police General Benjamin Acorda, ang nasabing mga suspek ay naaresto sa lungsod ng Paranaque.
Pinangunahan ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group ang pag-aresto sa mga suspek na kinilalang sina Julie Patidogan, Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano, Jr., Johnry Consolacion, at Gleer Codilla.
Natunton ang kinaroroonan ng mga suspek base na rin sa isang informants kung saan halos dalawang buwan ang ginawa nilang pag-surveillance.
Ang mga suspeks ay pawang mga security officers ng Manila Arena na sinampahan ng kasong six counts of kidnapping at serious illegal detention noong Enero 2022 ng mga kaanak ng nawawalang sabungero na kinilalang sina John Claude Inonog, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, Rowel Gomez, at magkapatid na sina James Baccay at Marlon Baccay.
Inihain din ang kasong six counts of kidnapping at serious illegal detentions sa Department of Justice noong Marso 18, 2022.
Noong Enero 2023 din ay isinampa ng DOJ ang kaso laban sa mga supseks sa Manila Regional Trial Court.
Nagsampa rin ang CIDG ng hiwalay na kaso ng kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala rin ng onilne sabong master agent Ricardo Lascho na iniulat na dinukot noong Agosto 30, 2021 sa San Pablo, Laguna.
Noong nakaraang buwan ay iniatras ng ilang pamilya ang kaso na ikinadismaya ito ng ilang kaanak ng biktima.
Nakatakdang makatanggap ng P6 milyon ang informant gaya ng naipangako ng gobyerno.
Magugunitang tatlong dating pulis na sangkot sa pagdukot sa e-sabong agent na si Richard Lasco ang sumuko.