New Jersey
New Jersey

NEW JERSEY, USA – Nasa anim ang patay sa nangyaring pamamaril sa New Jersey.

Naganap ang insidente sa Greenville neighbourhood kung saan nakipagbarilan pa ang mga suspek sa rumespondeng kapulisan.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinasok ng mga suspek ang isang establishimento at binarikadahan ang mga lugar.

Tatlong empleyado ng establishimento ang agad na napatay kasama ang dalawang suspek.

Itinuturing naman ni Jersey City Mayor Steven Fulop ang insidente bilang terror attack.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek.