-- Advertisements --

CEBU CITY – Anim na buhay kasali na ang isang 3-years old na bata ang nasunog ng buhay sa sumiklab na apoy sa mga kabahayan sa Arlington Pond, Brgy. Sta. Cruz, Cebu City.

Kinilala ang mga biktima na silang Dan Henry Carvajal, 3-anyos, Andre Carvajal, 6-anyos, Felicity Sachi Carvajal, 12-anyos, Lyka Carvajal, 16-anyos, at si Hannah Mae Carvajal, 34-anyos, habang kinilala pa ang pang-anim na bangkay na rekober at patuloy ang paghahanap sa usa pang missing.

Ayon pa kay Jerome Lim, kapitan ng Brgy. Sta. Cruz, narekober ang mga bangkay na nagyakapan pa at duda nila na na-trap sa loob ng bahay ang mga biktima.

Hinihinalang “Electrical Faulty Wiring” ang sanhi ng sunog dahil bago kumalat ang apoy ay nakarinig pa ng pagsambog ang may-ari ng bahay at dali-daling lumubas.

Nang maalala na may naiwa sa loob ay hindi na ito nakabalik dahil sa laki narin ng apoy.

-- Advertisement --

Ayun pa sa kabumberohan na aabot sa P11 Million ang ari-arian at bahay na napinsala sa insidente.