-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Sumuko sa militar ang anim na mga myembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga rebelde na sina Tener Mantang Maquil, alyas Buyo-Buyo, supply officer; Anamie Maquil Bal-ot alyas Lyn-Lyn, medic; Allan Mistibo Samblang, alyas Caesar; Tyron Asom Saligan; Timbangan Ganang Maquil, alyas Kilohan; at Mike Ganang Maquil, alyas Arnold.”

Ang mga NPA ay mga residente ng Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato at myembro ng Platoon West, Guerilla Front Musa, Far South Mindanao Region o FSMR ng NPA.

Sumuko ang anim na CTG sa 37th Infantry Batallion Philippine Army militar sa Barangay Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat.

Dala ng mga ito sa kanilang pagsuko ang matataas na kalibre ng armas.

Pagod sa pakikipaglaban sa gobyerno at hangaring makapamamuhay ng matiwasay ang dahilan ng pagsuko ng mga rebelde.

Sinabi naman ni 603rd Infantry Brigade Commander Colonel Eduardo Gubat na ang mga sumukong NPA member ay isinasailalim pa sa custodial debriefing.

Tiniyak din ni Gubat ang tulong sa mga ito ng pamahalaan.

Matatandaan na maraming mga NPA na ang sumuko sa probinsya ng Cotabato,South Cotabato at Sultan Kudarat.