TACLOBAN CITY — Nagnegatibo sa ginawang drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 6 na mga suspek na nadakip dahil sa dala nilang aabot sa P600M na halaga ng shabu sa Brgy. Tagnao, Gandara, Samar.

Ayon kay PCapt Joselito Tabada, hepe ng Gandara Police Station, ang ginawang drug test ay nakabase sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 kung saan lahat ng mga mahuhuli na may kinalaman sa ilegal na droga ay kailangan ipailalim dito.

Ayon pa sa opisyal, ginigiit naman ngayon ng mga suspek na na hindi nila alam na ilegal na droga ang kanilang idi-deliver dahil ang utos lang sa kanila ay dalhin ang sasakyan mula Maynila patungong Cebu.

Maaalala na una ng sinabi ng isa sa mga suspek na alam nila na ilegal na droga ang kanilang karga at babayaran sila isa isa ng tig P50,000 kung naging matagumpay ang kanilang operasyon

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng PNP tungkol sa kaso.

Samantala, nasa kustodiya pa rin ang lima sa mga naaresto habang ang menor de edad na kasama nila ay itinurn over na sa DSWD.