CENTRAL Mindanao – Pagod na umanonat gustong mamuhay ng mapayapa ng anim na mga rebelde na sumuko sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang anim katao ay mga miyembro ng private armed groups (PAGs) ni dating Maguindanao 2nd District Assemblyman Sidik Ameril.
Pormal namang tinanggap ni PRO-BAR Deputy Regional Director for Operation Colonel Jeffrey Fernandez ang anim na PAGs.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang dalawang M16 Armalite rifles, isang M14 rifle, isang garand rifle, isang 7.62 improvised sniper rifle, isang improvised 40mm grenade launcher, isang 60mm mortar, mga bala at magasin.
Nagpasalamat si Col Fernandez sa mga tumulong sa negosasyon sa pagsuko sa anim na PAGs.
Hinikayat muli ni PRO-BAR regional director Brigadier General Eden Ugale ang mga armed lawless group, PAGs, BIFF at ibang mga armadong grupo na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.