NAGA CITY – Sugatan ang anim katao sa karambola ng tatlong sasakyan sa Barangay Potol, Tayabas, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang binabaybay ng isang Pick-up Truck na minamaneho ni Samson Rivera ang kalsada sa naturang lugar ng hindi umano kumagat ang preno nito na naging dahilan para bumangga sa likurang bahagi ng sasakyan nito ang dalawa pang motorsiklo na minamaneho nina Jermy Manalo at Feliz Pingol.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga pasahero ng dalawang motorsiklo matapos tumilapon sa kalsada na agad namang itinakbo sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang aksidente.